Monday, July 30, 2012

Waiting...


Alam mo ‘yong feeling na may hinihintay ka pero hindi ka sigurado kung ano kalalabasan ng paghihintay mo? Nakakawindang ng utak. Diosmio.

Para kang nanliligaw tapos sasabihin sa’yo hindi pa daw siya handa. Sige naman ikaw. Sige hintay. Kasi nga type mo. Kasi gusto mo. Tapos mababalitaan mo nalang may boyfriend na. Huwaw! Anong nangyari sa sinasabi niyang hindi pa siya handa? Ano iyon? Nung nakilala niya yong boypren niya ngayon, bigla siyang naging handa. Ang galing ano?

Sa magkakaklase. Ang usapan, magkikita sa tambayan ng ganitong oras. May mga punctual. Darating ng tama sa oras. Mababait, eh. Hintay-hintay din.. tapos after 10 mins… wala. Sige hintay pa.. 30 mins. May darating. Isa. Onti palang kayo eh. Hintay pa tayo. 1hr. hola ka! Magsisi-text na sila. “Pasensiya na ah. Hindi ako makakarating. Emergency, eh.” Otot mo. Emergency? Tinamad lang kayo.. so ayun. Dalawa lang kayo? Date nalang kayo. Baka malay mo kayo pala meant to be.

Sa pila sa Cashier. Maaga pa lang pipili ka na. Mga 9am. Kaso ang haba na agad ng pila. Edi hintay ka. Time will pass by. Maiinip ka. Kwentuhan mo muna ng labstori mo ‘yong katabi mo. Kahit di mo pa kilala, kwentuhan mo. Nakakainip na eh. 11am. Siyempre gutom na daw si Mam Cahier. Kakain na daw siya. Hintay kau ng mga dalawang oras. Siyempre hindi ka pwedeng umalis ng pila para makakain. Kasi pagbalaik mo wala ka nang pila. Pagdating ng 1pm, simula na namang gumalaw ang pila. Bawat tao ata umaabot ng 30mins sa window. Kairaita diba? Nakikipagkwentuhan ba muna? 3pm. Malapit ka na. Malapit ka nang mabuang. 4:45pm. Ramdam mo na ang tagumpay! Sampung tao nalang ikaw na!!!! Biglang lalabas ‘yong Cashier. “Hanggang ten nalang. Bukas na magbayad ‘yung iba.” Syet. Tengene. 5 oras ka naghintay tapos pang-11 ka. Weew. Sarap mag-suicide noh?

Sa clearance. Finals na. Kailangan mo nang magpapirma ng clearance. Kapag hindi kompleto ang pirma diyan, hindi ka makakapag-exam. Ngarag ka. Hanap ng mga prof. pilitin pa sa iba. Merong ibang professor pag nahanap mo yong saktong magla-lunch na, sasabihin sa’yo, “Come back later after lunch.” Siyempre masunurin ka. Hintay ka naman sa labas ng faculty room. Hindi ka na kakain ng lunch para masiguro mong hindi na makakatakas pa ‘yong prof. Nakahinga ka lang nong 1pm na. Makikita mong palabas na ‘yong prof. Lalapitan mo. Sasabihin mong magpapa-pirma ka. Sabay sabi sa’yo ng, “Mamaya ko na pipirmahan ‘yan. May meeting kami.” Wow! Ang meeting nito umaabot ng mga tatlo oras. Ang tagal mong naghintay. Hindi ka na kumain, ta*ng pirma lang hindi ka pa napagbigyan. Huwag ka nang maghintay sa susunod!

Ako anong hinihintay ko? Wala naman. Iyong feedback lang naman ng pinasa kong nobela sa PHR. Ayan, kung mapapansin niyo, naloloka na ako kaya kung anu-ano ang sinasabi ko dito. Ang hirap maghintay. Hindi ko alam kung ano mangyayari. Pero okay lang. Achievement na ‘yong may naipasa  ako. Haha. Sentimyento ko lang sa buhay. Aktuali ‘yong mga nakasulat jan nangyari sakin ‘yong iba. Nakakasura lang. At least napakinabangan ko sila. May entry ako sa blog. Hohoho!
Your friendly neighborhood elyen,
Melody Elrise

Rain, Rain, Go Away. Come Again Some Other Day. Little Children Want To Play.


--Kanta ng mga bata kapag umuulan.
Sa mga ka-edad ko siguro magre-reklamo ang mga iyan dahil hindi makalakwatsa. O kaya naman ang iba, mga gaya kong itutulog nalang ‘yan. Masarap matulog kapag umuulan eh. Malamig. Hindi na kailangan ng aircon. Tipid kuryente. Ang kaso lang, hussle. Lalo na kapag maputik ang dadaanan mo. Nyaaah! Puro putik na sapatos mo bago ka pa makauwi o kaya makarating sa paroroonan. Malas mo pa kung lumubog sa putik ang paa mo. O kaya naman kung bumabaha sa rutang dinadaanan mo. Nakuu, good luck. Lalangoy ka pa.
Nakakatawa ‘yong isang quote (malamang. Kaya nga quote eh. Hindi quotes. Shunga lang?) na pinadala ng classmate kong itago natin sa pangalang Michael Sicat. (Waw ah, itinago ko pa.Haha) Ang sabi doon sa text niya:
“Kapag umuulan at malamig…
Mag-jacket ka!! Hindi ‘yong ‘pa-hug’ ‘pa-hug’ ka pa!
Ang landi lang? PBB Teens ka?”
Natawa lang ako. Oo nga naman. Huwag nang mag-inarte kapag walang jowa. Jacket nalang gamitin. Huwag na mag-GM ng hug. Hoho!
Kapag ganitong umuulan tumatambbay ako sa loob ng kumot. Puro tulog. O di kaya nagsusulat. Maingay man kasi ang ulan sa labas, nakaka-trigger sila ng creativeness ko. (ano daw?) basta ‘yon. Haha. Nagsulat lang naman ako dito kasi umuulan. Wala na naman akong magawa  kaya binulabog ko ang blog ko.
Masarap maligo sa ulan. Kung di ka sakitin. Masarap ding makipaghalikan sa ulan. Bakit ko alam?
Kasi na-try ko na…
Isulat sa novel ko. XD
Mukhang nasarapan naman ang mga bida.haha
Ohh siya. Basta mag-ingat kayo lalo na pag bumabagyo.
Maging handa. Magsiguro. At makibalita.
I’m ready! Weew. Hehe :D
Your friendly neighborhood elyen,
Melody Elrise

Monday, July 23, 2012

What 'Kimberly' Means ;)

Ako si Kimberly.
Ang common ng pangalan ko noh?
Madami kami.
Ang post na ito ay para narin sa mga kapangalan ko ;)


What KIMBERLY means?
You are smart and curious.
You are a seeker of knowledge, and you have learned many things in your life. You are also a keeper of knowledge--meaning you don't spill a secret or spread gossip. People think you are snobby or aloof, but you're just too deep in thought to pay attention to them.
You tend to be pretty tightly wound. It's easy to get you excited... which can be a good or bad thing. You have a lot pf enthusiasm, but it fades rather quickly. You don't stick for anything very long. You have to drive to accomplish a lot in a short amount of time. Your biggest problem is making sure you finish the projects you start.
You are confident, and slef assured and capable. You are not easily intimidated. You master any and all skill easily. You don't have to work hard for what you want. You make your life out to be exactly how you want it. And you'll know down anyone who gets in your way.
You are full of enegy. You are spirited and boisterous. You are bold and daring. You are willing to do some pretty outrageous things. Your high energy sometimes gets you in trouble. You can have a pretty bad temper at times.
You are friendly, charming and warm. You get along with almost everyone. You work hard not to rock the boat. Your easy going attitude brings people together. At times, you can be a little flacky and irresponsible. But for the important things, you pull it together.
You are wild, crazy, and a huge rebel. You're always up to something. You have a ton of energy, and most people can't handle you. You are very intense. You definitely are a handful, and you're likely to get in trouble. But your kind of trouble is a lot of fun.
You are relaxed, chill, and very likely to go with the flow. You are light hearted and accepting. You don't get worked up easily. Well adjusted and incredibly happy. Many people wonder what your secrets to life is.
You are a free spirit, and you resent anyone who tries to fence you in. You are unpredictable, anventurous and always a little suprising. You may miss out by not settling down, but you're too busy having fun to care.


Sa lahat ng KIMBERLY?
WE ROCK! |m|

Stay or Leave? You Choose.




Tinamaan ako sa quote na’to. “Some people come into our lives and quickly go, while others stay and leave footprints in our hearts and we are never the same.”
Ako ‘yong taong sinasabi sa quote na ‘come into our lives and quickly go,’. Pero sinisiguro kong ako rin ‘yong  taong  nag-iiwan ng footprints sa puso ng iba. How do I say so?
Experience.
Ilang beses na akong nagpalipat-lipat ng tirahan at eskwelahan. Sa bawat nilipatan ko, may naiwan akong kaibigan. Masakit ang maiwan, oo. Pero ang mang-iwan ng mga kaibigan? Mas masakit.
Isipin mo, aalis ka, maiiwan SILA. Take note, madami sila di’ba? Tapos ikaw mag-isa lang. Sinong mas malungkot?
Lagi nalang ganon ang nangyayari sakin. Ako ang umaalis. Bakit? Maraming dahilan… family problem, lipat-bahay, mas affordable mag-aral sa ibang school, problems I couldn’t do anything about. So wala akong magagawa kundi umalis kahit ayoko.
Pero kapag umaalis ako, hindi ako nakakalimot. Lalo na kung hindi ako kinalimutan. Ang sarap sa pakiramdam kapag nararamdaman mong may pakialam parin sila. Iyong kahit wala ka, parte ka parin ng buhay nila. Iyon bang alam mong may naiwan ka, may nabago ka sa pagkatao nila, bago ka man lang umalis. Bago mo sila iwan…
Pero ‘yun ‘yong masakit dun, eh. May naiwan ka sa kanila kaya nasasaktan sila tuwing maiisip na wala ka na. Pero ako kasi hindi ko naman naiisip na wala na ako sa buhay nila, eh. Gaano nalang ba kami kalayo sa isa’t-isa? Dalawang sakay ng tricycle, apat na sakay ng jeep? Isang oras na byahe?
Nasa sa’yo ‘yan. Kung bibitiw ka? Or you’ll hold on no matter how far the distance?


Sure, you’ll miss them. Pero ananhin mo ‘yang cellphone mo? I-text mo. Ang facebook? Nakow. Kung ang mga magulang nga natin magkakaibigan parin hanggang ngayon kahit na noon pahirapan pati ang pag-kontak sa landline.
Nasa iyo lang ang desisyon.
Bibitiw ka ba?
Ako hindi, eh.
Nandito lang naman ako. I’m just a beep away. Text mo ako, magre-reply ako. Lagi akong may pan-reply. Mayaman ako, eh. (Echoz!)
What I’m trying to point out here, a person can never really removed from your life. They just change roles. ;)
Parang ang dati mong boyfriend. Sasabihin mo wala na siyang parte sa buhay mo? Sorry. Mali ka. Ano tawag mo don? EX.
Ang dati mong Prof na halos isumpa mo dahil sa pagiging terror? Hey, sa kanya mo parin natutunan na hindi ang kusinero ang pumatay kay Lapu-Lapu. She left a footprint, right?
Lumalayo na ba ako sa topic? Oh, well. Nagsusulat lang naman ako para maipahayag ang damdamin ko. :)
Isa lang ang masasabi ko sa mga taong mahal ko na nasa malayo na at sa mga nag-iisip na wala na ako sa buhay nila, “mawawala lang ako pag namatay na ako”. Sabagay, kahit namatay ako parte parin ako ng buhay niyo.
Gusto niyo rin bang maging parte ng buhay ko?
Follow niyo ko sa Twitter.
@meloerise
Malalaman nio mga ginagawa ko ;)
Salamat sa pagbasa :*

You're friendly neighborhood elyen,
MELODY ELRISE


Friday, July 6, 2012

Tungkol sa Sarili Ko, Ako at Sakin :P



Napansin kong ang mga blog, ang first entry ay laging tungkol sa Blogger. So eto nga at iniaalay ko sa sarili ko ang first blog entry na ito. My real name is Kimberly Tungol. Meloerise ang name ko dito, short for Melody Elrise which is my pen name. The youngest and only daughter. Spoiled daw ako. Parang ‘di ko ramdam? XD Siguro nga spoiled ako because back then I never knew how to wash clothes and cook. Pero marunong na’ko ngayon.hehe :D
Second year college ako ngayon sa University Of Rizal System Antipolo Campus with my course Bachelor Of Secondary Education major in English. Hindi kilala ang school namin but I’m quite proud of it. Hindi basta-basta lalo na kapag nasa College of Education ka. Mayroong tinatawag na qualifying exam na napakahirap at talagang kung hindi ka karapat-dapat, “Goodbye, CoE.” Fortunately, I got to pass that exam kaya nga English Major na ako ngayon. ;)
I write romance novels. It started out as a hobby. Bet ko lang magsulat ng mga istoryang lumulutang-lutang sa utak ko. Sayang naman kung hindi napapakinabangan, di’ba? Pero kadalasan sa mga iyon, hindi ko rin natatapos. Pero ngayon ang goal ko talaga ay maging writer ng Precious Heart’s Romances. Ramdam ko talaga na ‘yon ang kapalaran ko (Weh). Kaya ngayon, I’m struggling to finish a novel. I once tried pero bigo. ‘For Revision’ ang aking mahal na nobela. Pero hindi ko na na-revise dahil sadyang may katamaran akong taglay. I’m still not giving up though. Abangan niyo ang “MELODY ELRISE” na writer ng PHR. (Well, kung iyon nga ang pen name na mapipili ng editor.LOL)
I’m talkative. Halata ba? Sa personal man o sa text. Sa blog o sa posts sa FB. Umiiksi nga lang ang sinasabi ko kapag sa Twitter. You know naman, 140 lang ang kasyang letters. XD Kaya ‘yang title ng blog ko? Keme lang ‘yan. Kelan pa ako naging speechless? Dahil nga madaldal ako, naging bentahe ko iyon sa pagkakaroon ng kaibigan. Kapag nakaupo ako sa isang lugar na wala akong kakilala, kakausapin ko ang katabi ko. Actually sa tingin ko ‘daldalin’ is the right term. After that, whoever that is will be my friend. :) Dahil din sa kadaldalan ko, nagiging open ako sa feeling ko. Which comes to the paragraph.
Ayun nga, masyado akong open sa feelings ko. Kapag nagka-crush ako, wala namng pasakalye ‘yon. Sasabihin ko agad dun sa kras ko na kras ko siya. Hindi naman ako maganda eh. Kapal ng mukha ata ang tawag dun. XD Ganun parin ako kahit sa perslab ko. Isang beses palang ako nagmahal. Open na open ang lahat. Una inamin kong crush ko siya. Which is true dahil that time eh crush ko lang naman siya. Tapos yung ‘crush’ na iyon ay naging ‘infatuation’. Hanggang sa naging love na nga. Sinabi ko rin iyon sa kanya. Open nga ako eh. Kapag nasasaktan ako, pinapaalam ko. Kapag masaya ako, pinapakita ko. My life is an open book. Magbasa ka, makilala mo ako. What you see is what you get.
Nasabi ko na bang weird ako? Yep. I am weird. Peculiar. Unique. Bakit nga ba? Well, here some of the reasons why I am weird:
1.       I talk to myself often. Take note: in English.
2.       I oh-so-love watching gore and horror movies. Tatawanan ko pa kapag may multo o namatay sa movie imbes na matatakot. :B
3.       My singing voice is different from my speaking voice. When I talk, I sound like a guy. Kaya ko ding gayahin ang boses ni Liam Payne kapag kumakanta. But when I sing with my singing voice… well, kayo nalang ang humusga :D
4.       Minsan, I laugh with no particular reason. Bet ko lang. Baliw-baliwan ang peg.
5.       Ayoko kay Hello Kitty. There is a story behind this. Pero huwag na nating pag-usapan. Masyadong mahaba at maiirita lang ako. :B
6.       Kapag kumain ako ng shokoleyt, sumasaya ako bigla. Parang energy drink. :P
7.       I’m very observant. Madalas kahit hindi mo sabihin sakin, alam ko na. Actions speak louder than words, sabi nga nila.
I’m a sucker for animes. Elementary palang ako ded na dedz na ako sa anime. They take me to another world. Parang naglalakbay :D This is one of the reasons why people think I’m childish. But I DON’T CARE. Angal kayo?
Mahaba na ang blog entry ko. May idadagdag pa ba ako? Tama na ‘yan. Tinamad na ako. Haha XD