Monday, July 23, 2012

Stay or Leave? You Choose.




Tinamaan ako sa quote na’to. “Some people come into our lives and quickly go, while others stay and leave footprints in our hearts and we are never the same.”
Ako ‘yong taong sinasabi sa quote na ‘come into our lives and quickly go,’. Pero sinisiguro kong ako rin ‘yong  taong  nag-iiwan ng footprints sa puso ng iba. How do I say so?
Experience.
Ilang beses na akong nagpalipat-lipat ng tirahan at eskwelahan. Sa bawat nilipatan ko, may naiwan akong kaibigan. Masakit ang maiwan, oo. Pero ang mang-iwan ng mga kaibigan? Mas masakit.
Isipin mo, aalis ka, maiiwan SILA. Take note, madami sila di’ba? Tapos ikaw mag-isa lang. Sinong mas malungkot?
Lagi nalang ganon ang nangyayari sakin. Ako ang umaalis. Bakit? Maraming dahilan… family problem, lipat-bahay, mas affordable mag-aral sa ibang school, problems I couldn’t do anything about. So wala akong magagawa kundi umalis kahit ayoko.
Pero kapag umaalis ako, hindi ako nakakalimot. Lalo na kung hindi ako kinalimutan. Ang sarap sa pakiramdam kapag nararamdaman mong may pakialam parin sila. Iyong kahit wala ka, parte ka parin ng buhay nila. Iyon bang alam mong may naiwan ka, may nabago ka sa pagkatao nila, bago ka man lang umalis. Bago mo sila iwan…
Pero ‘yun ‘yong masakit dun, eh. May naiwan ka sa kanila kaya nasasaktan sila tuwing maiisip na wala ka na. Pero ako kasi hindi ko naman naiisip na wala na ako sa buhay nila, eh. Gaano nalang ba kami kalayo sa isa’t-isa? Dalawang sakay ng tricycle, apat na sakay ng jeep? Isang oras na byahe?
Nasa sa’yo ‘yan. Kung bibitiw ka? Or you’ll hold on no matter how far the distance?


Sure, you’ll miss them. Pero ananhin mo ‘yang cellphone mo? I-text mo. Ang facebook? Nakow. Kung ang mga magulang nga natin magkakaibigan parin hanggang ngayon kahit na noon pahirapan pati ang pag-kontak sa landline.
Nasa iyo lang ang desisyon.
Bibitiw ka ba?
Ako hindi, eh.
Nandito lang naman ako. I’m just a beep away. Text mo ako, magre-reply ako. Lagi akong may pan-reply. Mayaman ako, eh. (Echoz!)
What I’m trying to point out here, a person can never really removed from your life. They just change roles. ;)
Parang ang dati mong boyfriend. Sasabihin mo wala na siyang parte sa buhay mo? Sorry. Mali ka. Ano tawag mo don? EX.
Ang dati mong Prof na halos isumpa mo dahil sa pagiging terror? Hey, sa kanya mo parin natutunan na hindi ang kusinero ang pumatay kay Lapu-Lapu. She left a footprint, right?
Lumalayo na ba ako sa topic? Oh, well. Nagsusulat lang naman ako para maipahayag ang damdamin ko. :)
Isa lang ang masasabi ko sa mga taong mahal ko na nasa malayo na at sa mga nag-iisip na wala na ako sa buhay nila, “mawawala lang ako pag namatay na ako”. Sabagay, kahit namatay ako parte parin ako ng buhay niyo.
Gusto niyo rin bang maging parte ng buhay ko?
Follow niyo ko sa Twitter.
@meloerise
Malalaman nio mga ginagawa ko ;)
Salamat sa pagbasa :*

You're friendly neighborhood elyen,
MELODY ELRISE


No comments:

Post a Comment