Monday, July 30, 2012

Waiting...


Alam mo ‘yong feeling na may hinihintay ka pero hindi ka sigurado kung ano kalalabasan ng paghihintay mo? Nakakawindang ng utak. Diosmio.

Para kang nanliligaw tapos sasabihin sa’yo hindi pa daw siya handa. Sige naman ikaw. Sige hintay. Kasi nga type mo. Kasi gusto mo. Tapos mababalitaan mo nalang may boyfriend na. Huwaw! Anong nangyari sa sinasabi niyang hindi pa siya handa? Ano iyon? Nung nakilala niya yong boypren niya ngayon, bigla siyang naging handa. Ang galing ano?

Sa magkakaklase. Ang usapan, magkikita sa tambayan ng ganitong oras. May mga punctual. Darating ng tama sa oras. Mababait, eh. Hintay-hintay din.. tapos after 10 mins… wala. Sige hintay pa.. 30 mins. May darating. Isa. Onti palang kayo eh. Hintay pa tayo. 1hr. hola ka! Magsisi-text na sila. “Pasensiya na ah. Hindi ako makakarating. Emergency, eh.” Otot mo. Emergency? Tinamad lang kayo.. so ayun. Dalawa lang kayo? Date nalang kayo. Baka malay mo kayo pala meant to be.

Sa pila sa Cashier. Maaga pa lang pipili ka na. Mga 9am. Kaso ang haba na agad ng pila. Edi hintay ka. Time will pass by. Maiinip ka. Kwentuhan mo muna ng labstori mo ‘yong katabi mo. Kahit di mo pa kilala, kwentuhan mo. Nakakainip na eh. 11am. Siyempre gutom na daw si Mam Cahier. Kakain na daw siya. Hintay kau ng mga dalawang oras. Siyempre hindi ka pwedeng umalis ng pila para makakain. Kasi pagbalaik mo wala ka nang pila. Pagdating ng 1pm, simula na namang gumalaw ang pila. Bawat tao ata umaabot ng 30mins sa window. Kairaita diba? Nakikipagkwentuhan ba muna? 3pm. Malapit ka na. Malapit ka nang mabuang. 4:45pm. Ramdam mo na ang tagumpay! Sampung tao nalang ikaw na!!!! Biglang lalabas ‘yong Cashier. “Hanggang ten nalang. Bukas na magbayad ‘yung iba.” Syet. Tengene. 5 oras ka naghintay tapos pang-11 ka. Weew. Sarap mag-suicide noh?

Sa clearance. Finals na. Kailangan mo nang magpapirma ng clearance. Kapag hindi kompleto ang pirma diyan, hindi ka makakapag-exam. Ngarag ka. Hanap ng mga prof. pilitin pa sa iba. Merong ibang professor pag nahanap mo yong saktong magla-lunch na, sasabihin sa’yo, “Come back later after lunch.” Siyempre masunurin ka. Hintay ka naman sa labas ng faculty room. Hindi ka na kakain ng lunch para masiguro mong hindi na makakatakas pa ‘yong prof. Nakahinga ka lang nong 1pm na. Makikita mong palabas na ‘yong prof. Lalapitan mo. Sasabihin mong magpapa-pirma ka. Sabay sabi sa’yo ng, “Mamaya ko na pipirmahan ‘yan. May meeting kami.” Wow! Ang meeting nito umaabot ng mga tatlo oras. Ang tagal mong naghintay. Hindi ka na kumain, ta*ng pirma lang hindi ka pa napagbigyan. Huwag ka nang maghintay sa susunod!

Ako anong hinihintay ko? Wala naman. Iyong feedback lang naman ng pinasa kong nobela sa PHR. Ayan, kung mapapansin niyo, naloloka na ako kaya kung anu-ano ang sinasabi ko dito. Ang hirap maghintay. Hindi ko alam kung ano mangyayari. Pero okay lang. Achievement na ‘yong may naipasa  ako. Haha. Sentimyento ko lang sa buhay. Aktuali ‘yong mga nakasulat jan nangyari sakin ‘yong iba. Nakakasura lang. At least napakinabangan ko sila. May entry ako sa blog. Hohoho!
Your friendly neighborhood elyen,
Melody Elrise

No comments:

Post a Comment