Saturday, August 4, 2012

Open Letter To My Friend Jamaica-Liza Malapit :)


This is my letter to my very loving friend Jamaica na naiwan ko sa Rodriguez. This letter is written in paper pero dahil natuwa at na-touch ako sa sarili kong sulat, I shared it to you guys. I omitted some parts. Para samin nalang siguro yon. Haha. Pero sana magustuhan niyo din. I bet she wouldn’t be able to read this in my blog. Ibibigay ko nalang sa kanya ang letter. :)


Jajabum,
Pang-ilang sulat ko na’to sa’yo? Pangalawa? Ang konti noh? Kasi I thought it wasn’t necessary noon. Kasi naman, sa araw-araw nating pagsasama, from 8am (8am kasi lagi kang late.LOL) to about 7pm magkasama tayo din a kailangan ng sulat. Pero ngayong malayo na ako, I have thought of its essence. Nandun kasi yung ilang mga bagay na hindi mo masabi ng personal at nandun ‘yong puso. Wat the fack. Nakakabuang ang malayo sa  inyo. Lalo na sa’yo. Alam mo ‘yong parang araw-araw  kang nagtu-toothbrush tapos nawala yung toothbrush mo. Pinalitan ng bago yung nawalang toothbrush pero nawalan ka na ng ganang mag-toothbrush dahil hindi na ‘yon yung nakasanayan mo na? Pangit mang example pero ikaw yung “toothbrush”. Nakakatamad na pumasok. Wala ka nang iisipin na or wala na akong iisipin na: “Ano kaya oras papasok si Jaja bukas? Late na naman yun malamang.”; “Ano kaya kakainin namin mamayang tanghali? HOMI lupet!”; “Ano kaya kami oras uuwi?; “Kamusta na kaya ang Roosevelt boys?”; “Ano kaya topic ni Jaja at **** kagabi?”; “Si Jaja plants vs zombies na naman.” Madami pa ‘yan, tatapusin pa natin?
Ikaw ang nakakita kung gaano kasakit ang epekto ng paglipat sakin. Umiyak ka kasama ko, nagluksa din. Pero I never wanted you to feel that way. Mas gusto ko ngang masaya ka kahit lumipat ako. At least I know I left you happy at may nagawa o na-contribute ako sa buhay mo. Think of me as a fertilizer at ikaw yung puno. Ang fertilizer isang beses lang magagamit, ia-absorb, mawawala, evaporate, disappear. Pero ang fertilizer nanjan lang yan. Tumubo ka eh. Nasa dahon mo siguro? Sanga?  Hindi naman ako mawawala eh. Unless ikaw mismo ang pumutol o magtanggal ng sanga o dahon na iyon. Nandito lang naman ako eh. Ikaw mismo ang magpapasya kung aalisin mo ako sa buhay mo. I might not be able to visit you guys often. U know how hard it is for me to convince lalo na at napakalayo. Pero alam mo, kahit saan ka tumingin sa bawat bahagi ng eskwelahan na yan nanjan lang ako. Nakatambay. Haha. They are what you call “MEMORIES” kaya nga ako si “MELOERISE” ngayon. :)
**LET”S SKIP SOME PART**
Alam mo habang sinusulat  ‘to, tanggap ko nang iba ang tinatahak ko sa inyo. Malayo na eh. Alam kong hanggang CP at FB nalang. Pero gaya nga ng sinabi ko sa blog ko, kung talagang mananatili ay nasayo ang desisyon. Hindi man mananatili physically, nandiyan ako, emotionally and mentally. Hindi ako bibitiw. Ok na sakin yung babalitaan niyo ako paminsan-minsan. Te-text, mangungulit. Masaya na’ko dun. Ako naman eh mukhang GM kaya lagi kayong may balita sa akin. Ingat kayo palagi diyan. Wag na papagutom sa tanghali. Tapos na ang pagluluksa. SMILE :)
Kimim Nam, Kimpot, Kem

Namimiss ko na siya. Haha. Naalala ko kasi tuwing tanghali tapos wala kaming pera. Tambay kami sa opisina ng UNIVERSITY SUPREME STUDENT GOVERNMENT (Deputy Secretaries kc kami) tapos sya lang ang may baon na kanin. Bibili nalang kami ng HOMI. At sa tulong ng water dispencer, doon namin niluluto. Hahaha xD Namayat ako doon. Magandang diet. Haha. Nalulungkot man ako, thankful parin ako kasi nakilala ko siya.. Sila. :D

Your friendly neighborhood elyen,
MELODY ELRISE    

No comments:

Post a Comment