Monday, September 24, 2012

Ilan na nga ang blog entries ko? Nakakatuwa lang. Madami na din pala :)

Your  friendly neighborhood elyen,
MELODY ELRISE

Who is JM?



I bet many of you are already wondering who owns this smile. The guy who’s smile is the reason why I was able to write the story “WHEN JM SMILES”.
Sasabihin ko na ba?
Hindi parin. Hahaha XD
Hindi ko pwedeng sabihin kung sino siya. May privacy siya at wala pa akong pahintulot niya na gamitin ang pangalan at katauhan niya sa story ko. Hindi ko nga lang talaga matiis na hindi gawing cover ng story ko sa wattpad ang ngiti niyang iyan. I want to share to the people who read, who is reading and will be reading my story ang ngiti na dahilan ng lahat. May pwede bang ikaso sakin dahil sa paggamit ko ng cropped picture na iyon? Huwag naman sana. Pwede na kasi akong makulong dahil kaka-18 years old ko lang last September 15, 2012. :D
‘yung totoo, I really don’t know much about him. Ang alam ko lang tungkol sa kanya ay gwapo siya, college student, gwapo siya, he loves photography and gwapo siya. Oo, pansin ko nga paulit-ulit. Hehe!
Hindi niya ako kilala. He doesn’t know I exist. But if he is reading this right now, I guess he already knows. At ikinahihiya ko na ang sarili ko ngayon. Haha XD
Nakilala ko siya through my Tita Mary Jane Comedia. (Actually, she’s not my real aunt. Naging tita ko lang siya sa isang grupo namin na kung tawagin ay Smarterz Republic. I’ll blog about it some other time ;D) Noong panahon kasing iyon, malungkot ako, heart broken at nagda-drama. Naghahanap ng aliw ng lalaki. *Joke lang!* Sabi ni Tita Jane sakin, search ko daw si JM sa tumblr.com. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil ang totoo, sikat siya sa tumblr. (Uuuiii, may clue na!) I found him really cute. Pero dahil nga hindi naman ako laging online, hindi ko naman siya makaka-close. Makaka-usap. Hindi narin siya ma-a-add as friend sa FB. Napakarami niya nang friends :)
So ayun, hinayaan ko lang siya. Pero fi-nollow ko siya sa twitter. Noong nagkaroon ako ng free app sa cellphone ko na free streaming sa twitter (wala pa kasi kaming wifi dito sa bahay at hindi laging nakakapag-internet sa pc), nasubaybayan ko ang tweets niya. Sa mga tweets niya na nabasa ko, never akong nakakita ng kayabangan sa kanya. Hindi ko alam. Pero dun sa mga nabasa ko, wala akong nabasa na ikinairita ko sa kanya. Meron kasing mga katulad niyang gwapo at maykaya na kapag nababasa ko ang mga posts at tweets eh naalibadbaran ako. Halatang-halata kasing nagyayabang. Ang sarap sabihan na, “Oo na, ikaw na mayaman, ikaw na may Iphone na malaki ang memory. Ikaw na!” Yung ganun. (Ok, wag na natin siya pag-usapan. Haha Nakakairita e) Pero si JM, ewan ko ba. Sa tingin ko kasi hindi siya mayabang.
I usually like guys who have small chinky eyes like me. Pero si JM, he has big eyes. Pero I really find them cute. Sobra. Parang ang sarap makipagtitigan. XD Meron siyang pics wearing glasses. Hindi ko alam kung may grado yun o fashion statement lang pero he looks really good wearing them. Mahilig siya magpuyat. Bagay kami. (Ay echoz!!) At mukhang love na love niya ang pamangkin niya na ang pangalan ay kayamanan. (Hulaan niyo.haha XD) O ang dami nang clue, ah!
Hindi ako nag-re-reply sa mga tweets niya noon. Nahihiya ako na something? Ewan. Baka kasi hindi siya mag-reply? But one time, nag-reply ako sa tweet niya. Sobrang natuwa pa ako noong mag-reply din siya. Bakit ba?? Eh sa hindi ko expected na magre-reply siya eh. Akala ko de-deadmahin lang ako. Pero nakakatuwa. Anng bait niya :D
Nakaugalian ko nang replyan ang tweets niya kapag nati-tyempuhan ko siyang nagti-tweet. Kahit ano lang. Kung anu-anong reply lang. Haha. Minsan nagre-reply siya. Minsan pine-favourite niya yung tweet. Naalala ko pa nga si-nave ko yong 1st reply niya sakin eh. Adik noh? Eto yun eh…






I hid his real username and icon. Para hindi niyo makilala. Hehe. At dahil nga in-edit ko yan sa paint, nabura kop ala yung original. Huhu :( nakakaiyak. Waaah! Hindi bale, lagi naman siyang nagre-reply eh. Hehe.

Eto naman ang first favorited niyang tweet ko:






And this time, I made sure I still have the original pic. LOL!
@Maxene_Arboleda pa ang username ko sa Twitter niyan. @meloerise na kasi ngayon :)


Pero mabalik tayo kay JM. :)
Ayun nga, one night, I think madaling araw na nga ata iyon mga 2am? Nag-iinternet ako. Namumungay na ang mata ko sa antok non pero nagsu-surf lang ako. XD Napadpad ako sa blog niya sa tumblr. Tiningnan ko mga pics niya. Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay yong GIF photo niya. Ngumingiti. Deym! Nawala ang antok ko sa ngiti na iyon. Tapos para akong tanga na everytime nakikita kong ngumingiti siya sa litratong iyon ay ngumingiti rin ako. I was hooked. Lagi kong tinititigan ang gif photo na iyon. Hoy, hindi naman ako adik. Uhm……

Medyo. XD

One day, while I was staring at the photo (again) dahil medyo depressed ako that day, (yung pic kasi na un ang nagpapangiti sa akin) naisipan kong gumawa ng story tungkol sa isang lalaking may napakagandang ngiti. At doon ko nga nabuo ang “WHEN JM SMILES”. Medyo korni ang plot, setting at ilang characters, pero  natuwa naman ako dahil nandoon si JM :D


I want him to know about this. Kaso nahihiya talaga ako at natatakot sa magiging reaksyon niya. Pero sa tingin ko, malalaman niya rin talaga. Balak ko rin naman kasing ipaalam. At kapag nabasa niya na ang story ko at ang blog entry na ito, GOD BLESS MY SOUL. XD


Your friendly neighborhood elyen,
Melody Elrise


P.S.
Please read my story on wattpad. “WHEN JM SMILES”


Sunday, September 23, 2012

URSR Glee Club


URSR GLEE CLUB
Ano nga ba ‘to?
Ahh… yung Chorale Group ng URS Rodriguez.
Okay.
Champion sila sa Chorale Competition sa URS Founding Anniversary sa URS Pililia.
Okay.
Pero ano ang pinakaimportante doon?
PAMILYA ko sila.
Sila…

Ayan. Ayan nga ang pamilya ko. Hindi kami pare-pareho ng dugo. Hindi pare-pareho ng Nanay at ng apelyido. Pero pamilya ko sila. Hindi pare-pareho ng pinanggalingan, hindi rin nagka-pare-pareho ng napuntahan. May nanatili, may lumisan at lumayo. Pero kahit anong mangyari, ito ay mananatiling  PAMILYA ko. Namin.
*Syeet. Naiiyak ako sa blog entry na ‘to. Bakit ba naisip ko pang isulat??*
Sa mga taong ito ko nakita ‘yong pagmamahal na hindi kailangan ng kapalit pero dahil sa sobrang sarap sa pakiramdam ay susuklian mo. Iyong tipong napakarami niyong magkakapatid sa isang maliit at simple lang na kwarto. Iyong pinagbigkis kayo ng isang bagay—ang pagkanta.
Iba-iba kami ng personalidad, ugali at hilig. Pero dahil sa Glee Club, nagkasama-sama kami. Alam niyo, sobrang nami-miss ko sila.
Sobra.
Sobra.
*Deym. I’m really crying right now*
**FLASBACK**
Naalala ko pa, noong nag-audition ako sa GC. That was JUNE 29, 2011. Tama ba?  Pilitan ang naganap. Hindi ako kumakanta sa Chorale. Diosme. Victim of no choice, tumuloy na ako.
I sang the ending theme of an anime as my audition piece.
“Nobody knows who I really am. I never felt this empty before. And if I ever need someone to come along. I will comfort you and keep you strong…”
Then I stopped singing.
Why?
Japanese na kasi ang lyrics na kasunod           noon at hindi ko na memorize. Talino ko noh? Kaya ayun. Nagtawanan ang mga ever supportive kong classmates/co-trainees.
Hindi pa diyan nagtatapos ang kahihiyan ko. Pinakanta ako ng National Anthem. Instead of starting with “Bayang Magiliw”, nagsimula ako sa “Lupang Hinirang”.
And guess what?
I passed!
Naging alto ako. (Actually, ginawa ko lang alto ang sarili ko kahit wala naman sinabi si Kuya Luis. LOL XD)
Ganito kami karaming trainees noon…

At sa lahat ng iyan, dalawa lang kaming survivors. Umalis ang iba, different reasons. Hanggang sa nangonti. Paunti ng paunti.
Alam niyo yung feeling ng naiiwan ka habang nakikitang mong umaalis ang iba? Ang sakit. Ang sakit-sakit sa mga naiwan. Alam ko ang pakiramdam. Isa ako sa naiwan. Pero iniwan ko rin sila noh? Ang  sama ko. :D
*Punas luha*
I never really wanted to leave this group. Sa araw-araw nga na pagpasok ko ng eskwelahan ay halos sa GC Office na ako tumira. Gabi na ako umuuwi sa pag-stay sa GC. Mas gusto ko pa doon kaysa sa bahay na tinitirhan ko.
But I left. I had reasons. I had to. But I never wanted to.
I never wanted to leave these people. Kahit na nag-quit ang marami sa amin, iyong pakiramdam ko kapag kumakanta ako kasama ng iba pang natira, pakiramdam ko kasama ko parin ang ibang umalis na sa grupo. Iyong overwhelming feeling kapag natapos niyong i-rehearse ang isang kanta at makanta iyon ng buo, ang sarap sa pakiramdam. Fulfilling. Parang achievement. Lalo na kapag kinanta sa harap ng madaming tao at nagustuhan nila. Ang sarap. I’m so proud of this family.

Iyong bonding naman tuwing wala pang rehearsal, *iyon na nga.mas naiyak lang ako lalo* walang humpay na asaran, tawanan, bukingan, laro at saya. Hindi iyon mapapalitan ng kahit anong masayang experience na mararanasan ko kung nasaan man ako ngayon. Kasi kayo lang, GC, ang makakapagparanas sakin noon. Simpleng laro ng Killer-Killer, STUPID, Pinoy Henyo at kung anu-ano pa. Da best kayo. Feeling ko I left a part of me sa GC. Hindi ko na mababawi pa iyon. Wala akong balak bawiin. Nararapat iyong manatili diyan. Because GLEE CLUB is one of the best blessings that came to my life. Not any piece of jewelry or billions of money can buy the happiness I got from you guys. You made me laugh and cry at the same time. Meaning, nabaliw ako. Hehe!
Dumalaw ako sa Glee Club. September 11, 2012.
Iba na ang itsura ng GC. Pati nga office ng USSG. Nostalgic. Still, it’s different. Wala na ang mga dating mukha na nakikita ko. Merong naiwan. 1, 2, 3, 4, 5…
Madaming bagong mukha. Mga bagong makikilala. Bagong pumalit sa dati naming inuupuan. Tinutulugan at lugar kung saan nagkukulitan. Mga bagong mukha na pwedeng pumalit sa mga nilalaro namin noon. Nakakaiyak. Pero nakikita kong mahal din nila ang grupong ito kagaya ng pagmamahal namin. Ayos na ako doon. Panatilihin nilang buhay ang GC. :)
Sa isang pamilya hindi mawawala ang hindi pagkakaintindihan. Pero kagaya ng isang pamilya naniniwala akong naayos ang lahat.
Mahal na mahal ko ang Glee Club.  Wala na akong ibang sasabihin pa dahil marahil ay nasabi ko na lahat. Itigil na rin ang kalokohang ito dahil hindi ko na makita ang tinatype ko. Hahaha. Mauubusan na ako ng luha. Ang drama ko kasi. Hehe!
Sing with your heart.

Your friendly neighborhood elyen,
Melody Elrise
P.S.
Kung may typo error at wrong grammar, wala kayong pakialam. Umiiyak ako. Hahaha XD

Sunday, September 9, 2012

He Smiles by Mariane Reign




I used Nay Ruth's song as the theme song for my story "WHEN JM SMILES" :D

Thursday, September 6, 2012

Tayo na sa ANTIPOLO! Part 1


From Quezon City to Candaba, Pampanga to Antipolo, Rizal to Rodriguez, Rizal and back to Antipolo City again. Ako na talaga ang maraming nalipatang lugar. Pero since nandito na nga ako sa Antipolo City ulit, I’d like to share some of my experiences here. :D

I couldn’t remember kung anong date ako bumalik dito sa Antipolo. Hindi ko na siguro naaalala dahil nalungkot talaga ako noong lumipat ako dito. Not that I didn’t like the place. Pero dahil sa mga kaibigang naiwan ko.
Nagsimula ang adventure ko sa Antipolo (Dora The Explorer?) noong nagpunta ang apat na kaibigan ko galing Rodriguez sa bahay na tinitirahan namin dito sa Antipolo. Sabi nila dinadalaw nila ako. Weh? Gusto lang ata nilang mamasyal. Hehe. Pero nonetheless, I still appreciated their effort coming here. Mga co-members ko sila sa URSR Glee Club. Heto sila, oh:
From left to right:
*Si Agonpad. Siya ang president namin sa Glee Club at that time. Mahilig siyang mang-asar pero masarap kasama. He’s a really nice friend. Sweet and kind. (Wow naman!) Hindi ko nga akalain na sasama talaga siya nun. Akala ko drawing na naman siya. But he came. Masaya ako dahil dun. :)
*Si Ate Maylin. Siya yung kapag kailangan mo ng kasama sa Glee Club, nandun siya. Well, lagi nga talaga siyang nandun. Haha. Tuwing kailangan namin ng sumbungan at kakampi, lagi siyang nandyan. Girlfriend siya ni Kuya Luis. Abay daw ako sa kasal nila. LOL.
*Si Kuya Luis. Ang conductor ng Glee Club. Madami akong natutunan sa kanya. Kahit pa nga alam kong hindi pang-choral group ang boses ko, I survived! Syempre with the guidance of Kuya Luis. ;) May times na gusto ko nang bumitiw sa Glee Club. Pero dahil sa kanya, we kept holding on. Patatagin pa ang GC!
*Ako na ‘yong susunod. Ang ganda ko noh? Pero laktawan na natin yan :P
*Si Ate Dora. Clarissa. Ang lagi kong karamay sa pag-uwi sa gabi after rehearsals. Pareho kasi kaming taga-Sub-Urban. A good friend and ate. Kasosyo sa kalokohan at kiligan minsan. Madalas kaming lumabas na kaming dalawa lang. Lakwatsa daw ba. Haha. Nakakamiss din ‘yon, ah.
First stop, sa Overlooking!
Isang lugar ‘yon sa Dulong Crasher (Hindi po KFC Krushers) na mataas. Ahmm.. sa palagay ko dating lugaryung kung saan winawasak ang mga bato para gawing grava? Kaya ‘crasher’? ay ewan. Haha. Basta, nag-shooting daw dati diyang ang “Kristala”. Oha?
Next stop, Ang Hinulugang Taktak!



Maganda parin naman ang Hinulugang Taktak. Ang kaso madumi na at mabaho. Nakakapanghinayang nga, eh. I wonder where the dirty water was coming from. Sana malinis pa ang Taktak. Iyon pa naman ang trademark ng Antipolo.
Our third destination was at Villa Dolorosa.




Stations of the Cross. A place to pray. Bawal mag-picture sa loob. So…
Sa simbahan naman ng Antipolo…
Gutom na kaya kainan naman. At dahil loyal si Agon sa KFC, doon kami kumain. Snack box lang. Haha. Poor kami,LOL XD

Hinatid nila ako sa paradahan namin. Sana maulit pa ‘to. Napasaya talaga nila ako. Sana nag-enjoy din sila :)

Itutuloy…







A poem poem...


Pinapa-post ng isang batang makulit. Ayan na, Nica. Sana pumasa. Nyahaha XD


Isang Kaibigan Lang
Bakit ba ganito ang aking nararamdaman?
Patin tuloy ang utak ko ay naguguluhan
Tuwing nakikita kita, ako’y naiirita,
Paano ba naman ang puso ko’y patalun-talon pa!

Ayoko na sanang isipin pa
Pero ‘yon na nga yata ang nadarama…
Mahal na nga yata talaga kita…

Kapag may kasama kang iba,
Ako’y nag-aalala
Na ako ay mamatay at hindi na makaya
Gusto ko lang naman na ika’y makasama

Isa kang tunay na kaibigan
Do’n ako’y walang pag-aalinlangan
Ngunit hindi naman an gating pagkakaibigan
Ang aking pinapangarap

Inaamin kong masyado na akong nahihirapan
Dito sa nararamdamn ng puso kong may katangahan
Sana ang araw ay dumating
Na ako’y maging masaya narin

Minamahal parin kita,
Ngunit ayoko nang umasa pa!

Saturday, September 1, 2012

Moving on?


Moving on?
I was skimming through my documents (wow, skimming?) when I stumbled upon (nadapa ako niyan) a document which was named “How to fix a Broken Heart”. Natawa lang ako sa nakasulat. Hindi ko rin pala siya natapos. I know why I wasn’t able to finish that. Dahil hindi ko rin alam kung paano pahilumin ang isang pusong sugatan at bigo. Pero basahin niyo ‘yong naisulat ko na sa document na iyon. Here it is:
How to fix a broken heart?
Maraming pwedeng sagot:
A. Move on, forget about the past and live a happy single life;
B. Find a new love; and
C. Commit suicide and end up dead so you won't feel anything at all
                                
Okay, forget about the third choice. :)

Well, it all depends on your choice. Chosing what will make your heart whole again.. the heart that has been broken beacause of loving the wrong person.

Hanggang diyan nalang ‘yon. Naisip kong tama rin naman ang sinabi ko sa choices. Pero I really prefer letter A as a choice. Kesa mag-suicide. Hindi masaya ‘yon. Hahaha XD Gastos pa sa burol at libing. Masaya din kasi may zesto, biskwit at kape. Kaso diyahe. Pupuyatin mo pa mga kamag-anak mo. Abuso ka naman. Haha! Heniways, mabalik tayo sa pinag-uusapan natin. I think kokontrahin ko ang sarili ko. There is no wrong person. Maybe that person isn’t right for you but he/she isn’t wrong. Nataon lang na hindi siya para sa’yo. Na-gets niyo ba? O naguluhan kayo lalo?
Ganito ‘yan… halimbawa, si Cinderella. Hindi ba’t ang evil step sisters niya ay may gusto rin sa Prince. Pero sa hulo na-heart broken sila dahil si Cinderella ang nakatuluyan ng Prinsipe. Pero hindi ibig sabihin nun na ‘wrong person’ ang Prince. Sadya lang na nakalaan si Prince kay Cinderella at hindi kay Grazilda. Nagkaroon naman siya ng Eric, di’ba? (Uy ‘yong hindi naka-gets di nanuod ng Grazilda sa GMA7 dati) *Plug. May bayad ba ‘to?*
Siguro nga resonable na ngumawa ka at magpaka-emo kapag nakipag-break sa boyfriend/girlfriend mo. Pero dude, p’re, mare, sistah, d’re, kachokaran, katropa, kababayan, tinapay yan, huwag sisirain ang buhay dahil lang diyan. Hindi naman sa kanya lang umiikot ang mundo mo. Hindi siya SOLAR SYSTEM. Mataba man siya, malaki, bilog, at may gravitational pull, hindi parin siya Solar System. Huwag kang assuming. Haha. Move on. Move on.
Oo madali sabihin noh? Paano, two words lang. Madali sabihin. Pero sabi nga nila, it’s just two words but many have died a thousand times trying to do it. Yeah, sure. They died. A Thousand Years by Cristina Perry (Hey, I love that song) *Plug ulit* A thousand times. Talaga? Daig mo pa ang pusa ah. More than 9 ang lives mo. Award!
(Napansin ko lang, parang puro okray nalang ginawa ko dito.haha May mga tao kasi na kung hindi pupukpukin, hindi matatauhan. Tsk. Tsk.)
Okay, inaamin ko, hopeless romantic din ako. I believe in happy endings, destiny, soulmates, and stuff like that. Who could blame me? I’m a romace writer. Nasaktan na ako dati. Lumuha. Nabigo sa pag-ibig. (ISANG MALAKING, WEH?) Pero hindi iyon naging dahilan para sumuko ako. I did try my best for that love. Kumbaga nagawa ko ang kaya ko. Ang parte ko. Ang utos ni Kupido. Pero nang hindi iyon nagtagumpay, hindi ko naman isinumpa ang pag-ibig. Sadyang ganoon talaga, hindi siya para sa akin, eh. May mahal siyang iba. Karapatan niya ‘yon. Puso niya ‘yon, eh.
Pero naniniwala ako na kung hindi ang puso niya ang napunta sakin, may ibang tao na nakalaan para sakin. Iyong taong magbibigay ng puso niya sakin na handa ko ring pagbigyan ng puso ko. Katulad ng palagi kong sinasabi, we all have a person who is destined for us. Darating ‘yong taong ‘yon na magbubura lahat ng bad memories sa puso mo. Lahat ng bitterness, hurt na nararamdaman mo. Hindi man siya dumating agad, umasa ka, darating siya. Huwag kang excited.
Sabi nga ni Niall Horan ng One Direction: “I’m waiting for my Princess.” Oh diba? Excited ‘yan pero hindi atat. Hinihintay niya ako ng buong puso. (Umangal paslang!)
Parang’yong text message na nabasa ko. Iyong prinsipe daw niya parating na. Natagalan lang daw because he took a wrong turn and was too stubborn to ask for directions. (Dapat kasi ONE DIRECTION lang) *Plug*
Heniweys, makakarating din yan sa’yo kung talagang nakalaan kayo sa isa’t-sa. Pero ang hilig ko talagang lumayo sa topic ano?
Moving on… let’s see…
Sa tingin ko kapag moving on dapat iniiwanan na ang nakalipas. Tapos na ‘yon eh. No hard feeling kumbaga. Huwag na maghiganti. Waste of time. Do something good for yourself. Pamper yourself. Magpaganda ka. Magpagwapo ka. Not because you want to see him swoon over you (Well, okay din namang dahilan yan.Hehe), but because you want to improve yourself.
Break ups should be something that could improve you as a person. Kumbaga, it’s experience. After that you should know kung ano ang mali sa mga nagawa mo, niyo. And use that para maging mabuti kang tao. To correct mistakes. Hindi para lalong palalain pa ang mga bagay-bagay.
Bilang ako’y isang NBSB (No BoyfriendSince Birth), sa tingin niyo katiwa-tiwala ako sa ganitong usapin?
Well, I’ve seen my friends suffer and cry because of break ups, heart break, break dance, lahat ng break. Hehe! Ako ang nakakita ng lahat ng nangyayari. Ako ang saksi (Wew). Sabi nga nila, ang mga bida ng telenovela, kaya tatanga-tanga yan, kasi hindi nila nakikita lahat. Eh tayo, lahat ng side kita natin. Kaya alam natin ang totoo, tama? Mas may utak at mata ang mga taong wala sa sitwasyon. Pero syempre, ang may damdamin parin ang masusunod. Kami naman eh, tagapayo lang. Nasa inyo parin ang huling desisyon. (WAW!)
Sa pagtatapos, iiwanan ko sa inyo ang mga katagang:
“Aanhin pa ang kabayo, kung wala nang damo?”
Teka, mali. Hahaha. Okay na ‘yan. Basta may maiwan lang. Hoho! Oh siya. Sana ay nakadagdag ito sa clog sa utak niyo. ;)
Your friendly neighborhood elyen,
Melody Elrise ^^

Thinking about what to blog...


August 31, 2012
9;45 PM
Sa bahay namin
Antipolo City, Rizal

Nag-iisip kasi ako kung anong iba-blog ko. Nabalitaan ko kasing may mga readers na ako. (WEH?) Haha. So I wanted to post something for them. Para may mabasa sila kahit paano kahit na kalokohan lang ang posts ko dito. Ang kaso nga, ayan, wala ako maisip. Well, actually may naisip ako. Kanina lang. Kaso, ngayong nakaharap na ako kay Lollipop (my netbook), ayan, nganga! I forgot what I thought to blog a while ago. Nako, kung itong pagba-blog eh negosyo o kaya career ko, baka nasa kangkungan na ako. (Although I love Kangkong.hehe) Ang hirap kayang mag-isip ng iba-blog. Try niyo minsan. Hahaha XD
As for me, nilalagay ko lang naman sa post ko kahit ano e. Anything under the sun, the moon and stars. Basta nababasa. Hahaha. Kahit naman elyen ako eh pareho tayo ng lenggwaheng gamit. Don’t yah worry.
Tatapusin ko muna ang blog na itechiwa. Iisip ako ng mas interesante. Haha. Nais ko lang naman pasalamatan dito yung mga nagbabasa na nag-cocoment sa FB Account ko. Mga hijo at mga hija, hinay-hinay sa pag-comment sa FB Account dahil medyo itinatago ko roon ang aking personalidad. Weew. Hahaha. Pinagtataguan ko iyon dahil maraming pwedeng makabasa ng blog na ito na hindi dapat. Haha. This is my hiding place so pag may nais kayong ipabatid ukol sa blog na ito, maari niyo akong balitaan sa aking twitter account:
@meloerise
O di kaya naman ay tumawag sa numero bilang:
0939******* :D
Salamat.

Your friendly neighborhood elyen,
Melody Elrise ^^

P.S. Feedback ng PHR:
Returned (Option to revise)
Tara, revise na tayo ;)