Sunday, September 23, 2012

URSR Glee Club


URSR GLEE CLUB
Ano nga ba ‘to?
Ahh… yung Chorale Group ng URS Rodriguez.
Okay.
Champion sila sa Chorale Competition sa URS Founding Anniversary sa URS Pililia.
Okay.
Pero ano ang pinakaimportante doon?
PAMILYA ko sila.
Sila…

Ayan. Ayan nga ang pamilya ko. Hindi kami pare-pareho ng dugo. Hindi pare-pareho ng Nanay at ng apelyido. Pero pamilya ko sila. Hindi pare-pareho ng pinanggalingan, hindi rin nagka-pare-pareho ng napuntahan. May nanatili, may lumisan at lumayo. Pero kahit anong mangyari, ito ay mananatiling  PAMILYA ko. Namin.
*Syeet. Naiiyak ako sa blog entry na ‘to. Bakit ba naisip ko pang isulat??*
Sa mga taong ito ko nakita ‘yong pagmamahal na hindi kailangan ng kapalit pero dahil sa sobrang sarap sa pakiramdam ay susuklian mo. Iyong tipong napakarami niyong magkakapatid sa isang maliit at simple lang na kwarto. Iyong pinagbigkis kayo ng isang bagay—ang pagkanta.
Iba-iba kami ng personalidad, ugali at hilig. Pero dahil sa Glee Club, nagkasama-sama kami. Alam niyo, sobrang nami-miss ko sila.
Sobra.
Sobra.
*Deym. I’m really crying right now*
**FLASBACK**
Naalala ko pa, noong nag-audition ako sa GC. That was JUNE 29, 2011. Tama ba?  Pilitan ang naganap. Hindi ako kumakanta sa Chorale. Diosme. Victim of no choice, tumuloy na ako.
I sang the ending theme of an anime as my audition piece.
“Nobody knows who I really am. I never felt this empty before. And if I ever need someone to come along. I will comfort you and keep you strong…”
Then I stopped singing.
Why?
Japanese na kasi ang lyrics na kasunod           noon at hindi ko na memorize. Talino ko noh? Kaya ayun. Nagtawanan ang mga ever supportive kong classmates/co-trainees.
Hindi pa diyan nagtatapos ang kahihiyan ko. Pinakanta ako ng National Anthem. Instead of starting with “Bayang Magiliw”, nagsimula ako sa “Lupang Hinirang”.
And guess what?
I passed!
Naging alto ako. (Actually, ginawa ko lang alto ang sarili ko kahit wala naman sinabi si Kuya Luis. LOL XD)
Ganito kami karaming trainees noon…

At sa lahat ng iyan, dalawa lang kaming survivors. Umalis ang iba, different reasons. Hanggang sa nangonti. Paunti ng paunti.
Alam niyo yung feeling ng naiiwan ka habang nakikitang mong umaalis ang iba? Ang sakit. Ang sakit-sakit sa mga naiwan. Alam ko ang pakiramdam. Isa ako sa naiwan. Pero iniwan ko rin sila noh? Ang  sama ko. :D
*Punas luha*
I never really wanted to leave this group. Sa araw-araw nga na pagpasok ko ng eskwelahan ay halos sa GC Office na ako tumira. Gabi na ako umuuwi sa pag-stay sa GC. Mas gusto ko pa doon kaysa sa bahay na tinitirhan ko.
But I left. I had reasons. I had to. But I never wanted to.
I never wanted to leave these people. Kahit na nag-quit ang marami sa amin, iyong pakiramdam ko kapag kumakanta ako kasama ng iba pang natira, pakiramdam ko kasama ko parin ang ibang umalis na sa grupo. Iyong overwhelming feeling kapag natapos niyong i-rehearse ang isang kanta at makanta iyon ng buo, ang sarap sa pakiramdam. Fulfilling. Parang achievement. Lalo na kapag kinanta sa harap ng madaming tao at nagustuhan nila. Ang sarap. I’m so proud of this family.

Iyong bonding naman tuwing wala pang rehearsal, *iyon na nga.mas naiyak lang ako lalo* walang humpay na asaran, tawanan, bukingan, laro at saya. Hindi iyon mapapalitan ng kahit anong masayang experience na mararanasan ko kung nasaan man ako ngayon. Kasi kayo lang, GC, ang makakapagparanas sakin noon. Simpleng laro ng Killer-Killer, STUPID, Pinoy Henyo at kung anu-ano pa. Da best kayo. Feeling ko I left a part of me sa GC. Hindi ko na mababawi pa iyon. Wala akong balak bawiin. Nararapat iyong manatili diyan. Because GLEE CLUB is one of the best blessings that came to my life. Not any piece of jewelry or billions of money can buy the happiness I got from you guys. You made me laugh and cry at the same time. Meaning, nabaliw ako. Hehe!
Dumalaw ako sa Glee Club. September 11, 2012.
Iba na ang itsura ng GC. Pati nga office ng USSG. Nostalgic. Still, it’s different. Wala na ang mga dating mukha na nakikita ko. Merong naiwan. 1, 2, 3, 4, 5…
Madaming bagong mukha. Mga bagong makikilala. Bagong pumalit sa dati naming inuupuan. Tinutulugan at lugar kung saan nagkukulitan. Mga bagong mukha na pwedeng pumalit sa mga nilalaro namin noon. Nakakaiyak. Pero nakikita kong mahal din nila ang grupong ito kagaya ng pagmamahal namin. Ayos na ako doon. Panatilihin nilang buhay ang GC. :)
Sa isang pamilya hindi mawawala ang hindi pagkakaintindihan. Pero kagaya ng isang pamilya naniniwala akong naayos ang lahat.
Mahal na mahal ko ang Glee Club.  Wala na akong ibang sasabihin pa dahil marahil ay nasabi ko na lahat. Itigil na rin ang kalokohang ito dahil hindi ko na makita ang tinatype ko. Hahaha. Mauubusan na ako ng luha. Ang drama ko kasi. Hehe!
Sing with your heart.

Your friendly neighborhood elyen,
Melody Elrise
P.S.
Kung may typo error at wrong grammar, wala kayong pakialam. Umiiyak ako. Hahaha XD

4 comments:

  1. ung tipong umiiyak ka ng walang dahilan kc ansama/ansaklap ng pakiramdam mo at nilalagnat ka .. tpos nigla kang mapapaiyak ng may malalim na dhilan dhl sa blog natohhhhhhhhhhhhh !!! haynako kimpot !!!!!!!!!!!!!!!

    PS : xempre gusto ko tong blog mo kc ang cool ng font color mo :DDD

    ReplyDelete
    Replies
    1. At talagang issue parin sayo ang font color ng blog ko ah? Hahaha XD

      Siguro naman magaling kana, hane?
      Ok lang yan. Dami ko ding iniyak jan. Nag-inarte ako jan.haha Gusto mong maiyak lalo? Igagawa kita ng blog entry sa birthday mo. Hahaha :D

      Delete
  2. like like like!

    ayun imbis na mag-review for LET, nagbabasa ako ng blog mo.
    haha. =D
    grabe ka, bigla tuloy akong na schoolsick (may ganon bang word?!)
    PAMILYA . . napaisip ako dun ah! choz.

    but thank you sa blog Kimberly Roldan Tungol.
    alabyah!
    gamsamhamnida chingu-yah!
    <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bukas na ang LET kaya kaya mo yan! Haha :D

      WELCOME.

      Pero mas tamang sabihing, THANK U sa inyo :)
      Kapuso ba tayo? Haha.

      Delete