Friday, May 30, 2014

Last First Kiss (Teaser)

To Wenz, Zacharyn McIver is her world. Ito ang araw at gabi, ang kanin at ulam, ang tag-ulan at tag-araw. Kahit wala iyong kaugnayan sa pagsinta niya rito, wala siyang pakialam. Basta mahal niya ang binata.
Kaya nga nang malaman niya na magco-concert sa Pilipinas ang A2Zed, ang banda kung saan ito ang drummer, bumili siya ng ticket para mapanuod at makita ng personal ang lalaking matagal niya nang pinapangarap. Pero sa kamalas-malasan, nanakawan na siya ng pera, nadamay pa ang ticket niya.
Pero hindi naman pala siya ganoon kamalas, sa hotel pala ng kaibigan niya nanunuluyan ang banda, kaya nagpatulong siya rito upang makapagpanggap na chaimber maid ng hotel. Doon siya nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang binata. Nawalan ito ng malay sa sobrang kalasingan kaya tinulungan niya ito. And that earned her a chance to be with the A2Zed Boys.
Kaya ginawa niya ang lahat ng paraan para lamang mapalapit dito habang may pagkakataon siya. And she succeeded. Ngunit nang tuluyan na itong napapalapit sa kanya ay saka naman sumulpot ang artistang nagpapakilalang girlfriend nito. But then it didn’t matter because he told her he loves her. Hindi na siya papayag pang mapunta sa iba ang lalaking mahal niya.
Pero nadurog ang puso niya nang umalis ito ng bansa at basta na lamang iwanan siya. Pinaasa lang pala siya nito sa wala. Susuko na ba siya? O ipaglalaban pa ang pagmamahal na ipinagkait na nito sa kanya?


Yes, this is the novel I'm writing now. I hope I finish it though. Since my brain has been floating in outer space and I can't seem to find it. Wish me luck! :D

Your friendly neighborhood elyen,
Melody Elrise

No comments:

Post a Comment